1 nasawi, 2 sugatan sa banggaan ng tricycle at truck sa Polangui, Albay

1 nasawi, 2 sugatan sa banggaan ng tricycle at truck sa Polangui, Albay

SA kuha ng ashcam, makikita sa unahan nito ang isang tricycle na nasa outer lane at isang itim na kotse na kasabayan nito.

Nasa kabilang kalsada naman ang paparating na wing van nang bigla na lang kumabig pakanan ang tricycle at tumama ito sa kotse na hindi rin nagbigay-daan, dahilan para tumama ang tricycle sa likurang bahagi ng kotse.

Dahil dito, nawalan na ng kontrol ang driver ng tricycle at mabilis na sumalpok sa isang wing van na nasa kabilang linya ng kalsada saka nagpa ikot-ikot at tuluyang bumaliktad.

Sa lakas ng pagkabangga sa truck, tumilapon ang driver ng tricycle at dalawang pasahero nito kung saan, isa sa mga ito ay idineklarang dead on arrival.

Naganap ang insidente nitong ng Mayo 31, alas singko ng hapon sa kahabaan ng Maharlika Highway o Mabini Bridge sa Barangay Ubaliw, Polangui, Albay.

Pinaghahanap pa umano ng mga kapulisan ang driver ng itim na kotse.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble