10 paaralan sa UAE, kabilang sa top 100 private schools sa mundo

10 paaralan sa UAE, kabilang sa top 100 private schools sa mundo

SAMPUNG eskwelahan mula sa United Arab Emirates (UAE) ang napabilang sa top 100 private schools sa mundo na nakatala naman sa 2022 Spear’s Schools Index.

Nasa 15 institusyon mula sa Middle East ang napabilang sa listahan na sumasalamin naman sa mataas na standard ng mga paaralan sa rehiyon.

Ang mga paaralan na naka-base sa UAE na kabilang sa listahan ay: Brighton College Abu Dhabi, The British School Al Khubairat, Cranleigh Abu Dhabi, Dubai College, Jumeirah College, Jumeirah English Speaking School, Nord Anglia International School Dubai, NLCS Dubai, Repton School Dubai, at Swiss Scientific International School in Dubai.

Para magawa ang listahan na ito, pinag-aralan kung paano na-handle ng mga paaralan ang dalawang taong restriksyon na dulot ng pandemya.

Sa buwan ng Abril ngayong taon, ang enrolment sa mga pribadong paaralan sa Dubai ay umabot sa 300 libo na pinakamataas naman sa kasaysayan nito.

Sa nakalipas na tatlong taon, 21 pribadong paaralan ang nagbukas sa Dubai na nagtaas sa kabuuang bilang nito sa 215 at international curriculum choices sa 18.

Follow SMNI NEWS in Twitter