10 rehiyon sa bansa, nahaharap sa banta ng pagbaha ngayong araw —PAGASA

10 rehiyon sa bansa, nahaharap sa banta ng pagbaha ngayong araw —PAGASA

NAGBABALA ang PAGASA hinggil sa banta ng pagbaha ngayong araw, Hunyo 19, sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, isinailalim sa General Flood Advisory ang mga sumusunod na rehiyon: Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa Region, Zamboanga Peninsula, Caraga, Davao Region, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bukod dito, may mataas ding posibilidad ng pag-ulan sa ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Easterlies, Intertropical Convergence Zone (ITCZ), at mga localized thunderstorm.

Kaya’t muling paalala ng PAGASA sa publiko na maging mapagmatyag, mag-ingat, at manatiling updated sa lagay ng panahon sa pamamagitan ng opisyal na website at social media accounts ng PAGASA.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble