UMABOT na sa 100 na bayan at lungsod sa bansa ang nagdelara ng state of calamity dahil sa nararanasang matinding init.
Kinumpirma ito ni Task Force El Niño Spokesperson Joey Valderama.
Ani Valderama, kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagdedelara ng state of calamity ay ang kawalan ng tubig at pinsala sa agrikultura.
Kabilang sa naturang bilang ang limang probinsiya na nagdeklara ng state of calamity gaya ng Occidental Mindoro, Antique, Sultan Kudarat, Basilan at Maguindanao del Sur.
Batay sa ulat ng Task Force El Niño, nasa kabuuang mahigit 66-K ektarya ng sakahan sa buong bansa ang matinding naapektuhan.
Umabot na rin aniya sa mahigit P3.9-B ang pinsala sa sektor ng agrikultura mula sa 11 rehiyon na labis na naapektuhan ng matinding init.
Sa ilalim ng state of calamity, maaaring magamit ng lokal na pamahalaan ang kanilang pondo para sa ayuda na kinakailangan para matulungan ang kanilang nasasakupan.