1,000 PDLs, posibleng magawaran ng executive clemency ngayong taon—DOJ

1,000 PDLs, posibleng magawaran ng executive clemency ngayong taon—DOJ

HALOS 1,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang posibleng magawaran ng pardon sa ilalim ng executive clemency ng Pangulo, at makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya ngayong taon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na bahagi pa rin ito ng programa ng DOJ para ma-decongest o maresolba ang siksikan sa mga jail facilities sa bansa.

Gobyerno, kasama ang Korte Suprema, magsasagawa ng dalawang araw na Jail Decongestion Summit

Maglulunsad sila ng Jail Decongestion Summit sa susunod na linggo, kung saan doon nila ilalatag ang ilang panukalang programa o hakbang para maresolba ang sobrang bilang ng mga inmate sa mga piitan.

Kasama rin sa summit ang DILG at ang Korte Suprema maging ang iba pang stakeholders.

Dadaluhan din ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasama ang House Speaker at Senate President.

Bahagi rin ng kanilang plano ay ang pagtatayo pa ng mga dagdag na jail facility at penal farms sa mga iba’t ibang rehiyon.

Target ng DOJ na makapagpatayo ng 16 regional prison facilities.

Target din ng ahensiya na maipababa ang piyansa para sa kapos na PDL, at requirement na mas mataas na threshold ng mga ebidensiya bago masampahan ng kaso sa korte ang isang akusado.

Follow SMNI NEWS on Twitter