TUMAAS pa sa 101 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Bagyong Paeng.
Sa naturang bilang ng mga nasawi, 58 ay naitala sa BARMM, 19 sa Reg. 6, 12 sa CALABARZON, 6 sa Reg. 8, 4 sa Reg. 9, 3 sa Reg. 12 at 1 sa Bicol Region.
Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng NDRRMC kung saan 73 ang nakumpirma na habang 28 ang under validation.
Aabot na rin sa 70 ang naitalang sugatan habang 66 ang nawawala.
Samantala, nakapagtala rin ang NDRRMC ng higit 2 milyong indibidwal o higit 618,000 na pamilyang apektado ng Bagyong Paeng mula sa 5,466 barangay.
Karamihan sa mga na-evacuate ay mula sa Region 1, Region 2, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, 11 at 12.
Nasa 8367,800 indibidwal naman ang pansamantalang sumisilong sa 2,801 evacuation centers.