10,271 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH mula Hulyo 4-10, 2022

10,271 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH mula Hulyo 4-10, 2022

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 10,271 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Hulyo 4 hanggang Hulyo 10, 2022.

Ayon sa DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw noong nakaraang linggo ay nasa 1,467, mas mataas ng 39 porsiyento kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 27-Hulyo 3.

Sa mga bagong kaso, 27 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 50 na pumanaw kung saan walo dito ay naganap noong Hunyo 20-Hulyo 3.

Noong Hulyo 10, 2022, mayroong 555 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,414 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 411 o 17% ang okupado habang 22.7% ng 21,424 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Follow SMNI NEWS in Twitter