1028 Disaster Response Teams, ipinadala sa mga apektadong lugar dulot ng Bagyong Kristine

1028 Disaster Response Teams, ipinadala sa mga apektadong lugar dulot ng Bagyong Kristine

KASALUKUYANG nasa iba’t ibang panig ng bansa ang nasa 1028 Disaster Response Teams para maghatid ng kaukulang tulong sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine.

Mayorya sa mga ito ay uniformed personnel mula sa iba’t ibang yunit ng kapulisan at militar.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) katumbas ito ng 10,708 well trained personnel para sa mabilis na pagresponde ng mga nasalanta ng nasabing kalamidad.

Bukod sa manpower, ginamit na rin ng pamahalaan ang iba’t ibang sasakyang panghimpapawid gaya ng C-130, Black Hawk helicopters kasama na ang mismong presidential helicopter para maiparating ang tulong sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble