ARESTADO ang isang suspek sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA RO NCR katuwang ang PNP nitong Arpil 1, 2025 sa Dasmarimas, Cavite.
Kinilala ang suspek na si Alias “Sian”, 30 anyos, lalake, walang asawa kung saan nasamsam sa kanya ang ilang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang Shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 1.5 kilo.
Nagkakahalaga ang droga ng mahigit sampung milyong piso
Bukod sa droga, nakuha rin sa suspek ang isanv a cellular phone, buy-bust money, drug paraphernalia, at rental document sa gitna ng operasyon.
Kahaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 9165.