SINIBAK na sa pwesto ang 11 na pulis na sangkot sa kaso ng umano’y mga nawawalang sabungero.
Kaugnay ito sa pagkawala ng 4 na sabungero sa Cavite.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kostudiya ng Regional Headquarters Support Unit ang naturang mga pulis.
Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office acting Regional Director PBGen. Jonnel Estomo ang reassignment ng naturang mga pulis dahil sa bigat ng kanilang kasong isinampa ng NBI Task Force Against Illegal Drugs.
Kinilala ang naturang mga pulis na sina dating Regional Drug Enforcement Unit Chief PLtCol. Ryan Orapa; PLt. Jesus Menez; PSSg. Ronald Lanaria, PSSg. Ronald Montibon, PSSg. Troy Paragas, PSSg. Roy Pioquinito, PSSg. Robert Raz Jr., PCpl. Christat Al Rosita; PCpl. Denar Roda, PCpl. Alric Natividad, at PCpl. Ruscel Solomon.
Kasong kidnapping, serious illegal detention at paglabag sa anti-enforced or Involuntary Disappearance Act ang isinampa laban sa mga ito.