$11,100 pabuya para sa impormasyon ng 2 nawawalang painting, inalok ng museum sa Switzerland

$11,100 pabuya para sa impormasyon ng 2 nawawalang painting, inalok ng museum sa Switzerland

INALOK ng Kunsthaus Zurich, isang museum sa Switzerland, ang pabuyang nagkakahalaga ng $11,100 para sa taong makapagbibigay ng impormasyon para sa kanilang nawawalang dalawang painting.

Ang nasabing mga painting ay mula sa mga sikat na pintor na sina Robert van den Hoecke at Dirck de Bray.

Disyembre pa ng 2022 nang mawala ang painting na hanggang sa ngayon ay hindi pa nahahanap.

Agosto 2022 nang magkaroon ng sunog sa museo dahilan ng pakawala ng dalawang paintings.

Sa ngayon, hinihikayat ang sinuman na may impormasyon patungkol sa nasabing painting na makipag-ugnayan sa pulisya.

Follow SMNI NEWS in Twitter