MAAPEKTUHAN ang nasa 11 milyong PhilHealth members sa planong pagbabawas ng premium coverage para sa indirect contributors ng PhilHealth.
Ito’y dahil mula sa 25M (25,229,307) indirect members na planong i-cover ng PhilHealth sa susunod na taon, nasa 14M (14,157,910) indirect members lang ang ini-recommend ng Department of Budget and Management (DBM).
Binawasan na rin ang budget para dito at nagkakahalaga na lang ng P53B.
Ibig sabihin, ito na nga ang 11M (10,981,036) indirect members na hindi maisasali sa premium coverage sa 2025.