12 CTG, na-neutralize ng militar sa Negros Island

12 CTG, na-neutralize ng militar sa Negros Island

NA-neutralize ng militar ang 12 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Negros Island nitong Sabado at Linggo.

Ayon kay AFP Visayas Command (VisCom) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, 10 sa mga ito ang nasawi, isa ang naaresto at isa ang sumuko.

Kahapon, isang NPA ang nasawi sa pakikipaglaban sa tropa ng 15th Infantry Battalion sa Brgy. Caliling, Cauayan, Negros Occidental.

Una rito, 5 NPA rin ang nasawi at 7 armas ang nakumpiska matapos maka-engkuwentro ang 62nd Infantry Battalion sa Brgy. Quintin Remo, Negros Occidental nitong Sabado.

Sa pagtugis ng militar, 4 pang NPA ang nasawi, 1 ang nahuli, 1 ang sumuko, at 7 pang armas ang narekober sa naturang barangay.

Umaasa naman si Arevalo na masusundan pa ang pagsuko ng nalalabing miyembro ng NPA dahil sa sunud-sunod nilang operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter