12 mangingisda na boluntaryong nagsurender ng mga pakete ng shabu, nakatangap ng pabuya

12 mangingisda na boluntaryong nagsurender ng mga pakete ng shabu, nakatangap ng pabuya

NAKATANGGAP ng pabuya ang 12 mangingisda matapos na boluntaryong isuko sa mga awtoridad ang natagpuang mga pakete ng shabu sa karagatang sakop ng San Juan, Sta.  Maria at Magsingal, Ilocos Sur.

Ang namahagi ng pabuya sa mga mangingisda ay sina Gov. Jerry Singson, SPM Efren Rafanan, SPM Art Oandasan, PDEA Regional Director Joel Plaza, PDEA Ilocos Sur Chief Noreen Bautista at ISPPO Provincial Director Darnell Dulnuan.

Sa isinagawang awarding ceremony sinabi ni Gov. Singson, sa pagpupugay sa mga tapat at masigasig na mangingisda, hindi lamang kinikilala ang kanilang kagitingan kundi pinatitibay rin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pangangalaga ng kinabukasan sa iligal na droga.

Nagbigay rin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P5,000 kada pakete ng shabu na natagpuan ng mga mangingisda.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter