12 POGO sa bansa, hiniling ng PAGCOR na huwag isali sa nationwide ban

12 POGO sa bansa, hiniling ng PAGCOR na huwag isali sa nationwide ban

HINILING ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na hindi isali ang nasa 12 Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa nationwide ban.

Ayon sa PAGCOR, ang 12 mula sa 43 legal na POGO companies sa bansa ay customer service agents lang para sa gaming companies.

Sa hiwalay na pahayag ay ibinahagi na rin ng PAGCOR na aabot sa 42-K na mga Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa nationwide ban ng mga POGO.

Subalit tiniyak nila na nakikipagtulungan na ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) para resolbahin ang mawawalan ng trabaho bago ang taong 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble