KAMAKAILAN ay nanumpa ang nasa 126 na mga kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) para pagsikapan na palakasin ang pagpapatupad ng iba’t ibang serbisyo para sa mga kababayang magsasaka.

Pinangunahan ni DAR Secretary Bernie Cruz ang panunumpa ng mga kawani ng DAR Bicol para sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ayon kay Cruz ang mga manggagawa ay masusing pinili upang serbisyuhan ang mga magsasaka at tulungan ang DAR sa pagbibigay serbisyo sa mga kanayunan.
Dagdag ng kalihim, matatanggap ng mga magsasaka ang nararapat na tulong sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga magsasaka ng lupang matatamnan at pagbibigay ng support services projects.
Pinaalalahanan naman ni Cruz ang mga kawani na ang epektibong serbisyo publiko ay hindi lamang nagmumula sa edukasyon, kung hindi sa mula sa puso at dedikasyon.
Sinang-ayunan naman ni DAR Bicol Regional Director Rodrigo Realubit ang sinabi ng kalihim at idinagdag na ang kanilang serbisyo nawa ang magsilbing pamana nila sa mga magsasaka.
Matatandaang, iba’t ibang programa na ang nailunsad ng Kagawaran ng Agraryo na hanggang ngayon ay napakinabangan ng milyun-milyong magsasaka sa bansa.
Tiniyak ng kalihim na hindi titigil ang ahensya na magbigay saya sa mga benepisyaryong magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling lupain, livelihood assistance, serbisyong legal, mga kagamitan sa pang-agrikultura at iba pa.
BASAHIN: Agrarian Reform on Wheels ng DAR, naghatid ng serbisyo sa mga magsasaka