13 kompanya sa Pilipinas, pasok sa 2024 World’s Best Companies

13 kompanya sa Pilipinas, pasok sa 2024 World’s Best Companies

PASOK sa 2024 World’s Best Companies list ng TIME’S magazine ang nasa 13 kompanya mula sa Pilipinas.

Sa 1K kompanya na isinalang sa evaluation, No. 274 ang Ayala Corporation; No. 451 ang Security Bank Corporation; No. 463 ang San Miguel Corporation; No. 502 ang SM Investments; at No. 577 ang SM Prime Holdings.

Ang Jollibee Foods Corporation ay nasa No. 649; No. 727 ang Aboitiz Group; No. 775 ang Robinsons Retail Holdings; No. 849 ang China Bank PH; at No. 863 ang Alliance Global.

Samantala, nasa 897 ang PLDT; No. 935 ang Metropolitan Bank & Trust Company; at No. 997 ang Puregold Price Club.

Ang rankings ay nakabatay sa performance at resilience ng mga kompanya sa global marketplace.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble