13 tauhan ng CIDG NCR, inalis sa puwesto

13 tauhan ng CIDG NCR, inalis sa puwesto

AABOT sa 13 tauhan ng PNP CIDG National Capital Region (NCR) ang inalis sa puwesto kasunod ng pagkakasangkot sa umano’y “hulidap” sa ilang Chinese na kanilang inaresto sa Parañaque noong Marso 13.

Ayon kay PNP CIDG director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., kabilang sa inalis sa puwesto ang 10 police non-commissioned officers at 3 police commissioned officers.

Nadamay rin si PNP CIDG NCR chief Police Colonel Hansel Marantan dahil sa command responsibility.

Sa sumbong ng biktima kay PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, kinuha umano ng mga pulis ang ilang mamahaling relo, bag, alahas at 3 milyong piso sa vault.

Habang humihingi rin umano ang mga pulis ng pera para sa kalayaan ng mga Chinese na nahuling nagsusugal.

Nagpapatuloy ang isinagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa insidente.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter