13-year-old Pinay, grand winner sa isang talent competition sa Croatia

13-year-old Pinay, grand winner sa isang talent competition sa Croatia

GRAND winner ng Supertalent Croatia ang 13-year-old na Pinay na si Chriztel Renae Aveceda.

Sa finals ay kinanta ng Pinay ang “The Prayer”.

Subalit bago ang finals ay nakailang Croatian songs na ito sa nabanggit na talent competition at automatic golden buzzer ang Pinay.

Lubos namang nasiyahan si Chriztel sa kaniyang pagkapanalo at aniya, hindi kapani-paniwala ang resulta.

Taong 2020 nang dumating ang 13-year-old sa Croatia at ang kaniyang ina para manirahan na doon kasama ang kaniyang stepdad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble