138 potential private armed groups, binabantayan ng PNP

ITINAAS na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang monitoring system laban sa mga potensyal na private armed groups sa bansa, ilang buwan  bago ang May 2022 elections.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, inatasan na nito ang kanyang mga tauhan para magsagawa ng initial nationwide monitoring sa anim na active private armed groups na hindi malayong maging banta ito sa pagdaraos ng eleksiyon sa susunod na taon.

Pero bukod sa anim, mayroon pang 138 potential PAGs ang kasalukuyang minomonitor ng PNP bago pa man maging aktibo ito sa susunod na mga araw.

“Aside from these, there are also about 138 potential PAGS that are under our monitoring. Now that the election is fast approaching, we might expect that these groups may be activated,” pahayag ni Carlos.

Isinasagawa na rin ang profiling ng mga miyembro ng mga pinaghihinalaang grupo na ito batay sa kanilang koneksiyon sa iba pang grupo kasabay ng pag-alam kung may sapat na kakayahan ang mga ito na gumawa ng karahasan ngayong paparating na halalan.

Nauna nang inalerto ng PNP ang mga tauhan nito sa usapin ng loose firearms para sa agarang pagkadarakip ng mga sangkot ditto.

“This is two-way traffic. We call the public to help us by reporting to authorities suspicious individuals lurking in their areas,” ani Carlos.

Sa  huli, tiniyak ni General Carlos na agad silang magpapadala ng augmentation force sa mga lugar na may namamataang private armed groups.

Ito ay upang masigurong ligtas ang mamamayan mula sa posibleng kaguluhan na idudulot ng mga armadong grupo sa isang lugar.

Ipinaalam na rin ng ahensiya ang kanilang kontak number para sa agarang aksiyon sa mga posibleng banta sa seguridad ng publiko.

PNP hotline:

09191601752 at 09178475757

BASAHIN: PNP, bukas sa aplikasyon para sa exemption ng election gun ban

SMNI NEWS