ALAS tres ng madaling araw kamakalawa nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Maharlika Highway, Nabua Camarines Sur.
Sa lakas ng pagkabangga, tumagilid ang bus na natumba sa gilid ng kalsada.
Mula sa halos 40 mga pasahero ng bus ay umabot sa 14 na pasahero nito ang sugatan na karamihan ay mga senior citizen at menor de edad na agad na itinakbo sa pinakamalapit na ospital para sa agarang lunas kabilang na ang driver nito na kinilalang si Enero Lababop, 54 na taong gulang at residente ng Mondragon, Northern Samar habang wala namang nasaktan sa pasahero at driver ng tren na kinilalang si Cezar Pancheco, 54 na taong gulang din at residente ng Ligao, Albay.
Lumalabas sa imbestigasyon na hindi umano napansin ng driver ng bus ang paparating na tren, wala ring flag man at ilaw sa lugar kaya tuloy-tuloy itong tumawid at nagsanhi ng insidente.