14 travel scams babala ng ScamWatch Pilipinas ngayong Semana Santa

14 travel scams babala ng ScamWatch Pilipinas ngayong Semana Santa

NGAYONG panahon ng Semana Santa, abala ang maraming Pilipino sa pagbiyahe patungo sa kani-kanilang mga probinsiya upang magbakasyon, makapagpahinga, at makasama ang pamilya.

Sa panahon ding ito, nagpaalala ang ScamWatch Pilipinas ukol sa mga umiiral na travel scams na kadalasang tumatarget sa mga biyahero.

Ayon sa grupo, karaniwan nang nabibiktima ang mga Pilipino ng iba’t ibang uri ng scam tuwing may okasyon—lalo na sa panahon ng peak travel gaya ng Semana Santa.

“Lalo na ngayong bakasyon, kung matatandaan ninyo ang ginagawa nating estratehiya tuwing may okasyon nagbibigay tayo ng warnings sa mga tao, nandiyan ‘yung 12 scams of Christmas, love scams. Tapos ngayong summer nga, maglalabas na naman ‘yung ScamWatch Pilipinas ng 14 travel scams na tingnan ng mga tao,” ani Jocel de Guzman | Co-convenor, ScamWatch Pilipinas.

Kaya naman, ibinahagi ng ScamWatch Pilipinas ang 14 na karaniwang travel scams na dapat bantayan ng publiko.

Kabilang din sa 14 na travel scams na ibinahagi ng ScamWatch Pilipinas ang fake Wi-Fi, too-good-to-be-true deals, “free” vacation trap, pekeng travel agents, overpriced tours, charity cons, counterfeit cash, mga nakatagong CCTV, pekeng taxi, pagbebenta ng mga nawalang bagahe online na hindi lehitimo, pekeng SIM, fixer, at cheap airline tickets sa social media.

Paalala ng ScamWatch Pilipinas, maging mapanuri at huwag basta-basta magtiwala sa mga transaksiyon online o sa mga taong nag-aalok ng “mura” o “madaling” paraan ng pagbibiyahe.

Kung sakaling makaranas o makakita ng kahina-hinalang aktibidad, agad itong i-report sa mga awtoridad o sa ScamWatch Pilipinas upang hindi na madamay pa ang ibang biyahero.

Sa mga panahong kasama ang pamilya at mahal sa buhay, maging maingat at mapanuri upang maiwasan ang anumang klase ng insidente ngayong panahon ng bakasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble