PINOPROSESO ng National Registration Department (NRD) sa Malaysia ang 14 na libong aplikasyon sa pagkamamamayan sa bansa.
Ayon kay Deputy Home Minister II Datuk Jonathan Yasin, may kabuuang 22,702 citizenship application ang isinumite sa ilalim ng Article 15(A) ng Federal Constitution.
Kasunod sa isinumite na mga aplikasyon, 316 na aplikasyon ay para sa mga adopted children at 200 na aplikasyon ang ipinoproseso.
Sinabi ni Datuk Yasin na ang mga batang ipinanganak sa bansa ay hindi ginagarantiya na awtomatikong magiging mamamayan ng bansa.
Aniya, responsibilidad ng mga magulang na pamahalaan ang dokumentasyon ng kanilang mga anak sa embahada ng bansang kanilang pinagmulan.
Patuloy namang magsasagawa ang NRD ng mga hakbang upang tulungan ang mga taong karapat-dapat na mag-aplay para sa Malaysian citizenship.