KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na sinibak na sa pwesto ang 15 Immigration officers at security guards na nakatalaga sa Bureau of Immigration Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ang pagkakasibak anya sa naturang mga BI officers ay kasunod ng nangyaring surprise inspection ng BI at NCRPO sa nasabing pasilidad kung saan nakuha ang iba’t ibang uri ng mga kontrabando.
Kabilang sa nakumpiska ang mga gadgets at kalahating milyong pisong cash na pag-aari ng mga dayuhang nakakulong doon.
Epektibo ngayong araw ay hindi na pinag-duty sa BI facility sa Camp Bagong Diwa ang mga sinibak na Immigration Officers.