TARGET ng Basic Energy Corporation na makapag-develop ng 155-megawatt (MW) onshore wind farm power facility sa San Joaquin at Miag-Ao sa Iloilo at sa Hamtic, Antique.
Posibleng matatapos ang proyekto sa loob ng limang taon batay sa service contract na ibinigay ng Department of Energy (DOE).
Aabot naman sa 13 libo at 900 ektarya ang sasakupin ng proyekto.
Samantala, madalas matatagpuan ang onshore wind farms sa Northern Luzon at Rizal.