161 tricycle driver ng District IV QC, naisyuhan ng license plate

161 tricycle driver ng District IV QC, naisyuhan ng license plate

NAGPASALAMAT sa Quezon City LGUs at Land Transportation Office (LTO) ang 161 tricycle drivers sa District IV matapos maisyuhan ng license plates.

Ito ay ipinamahagi sa pangunguna nina Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II.

Ayon kay Sotto at Mendoza, bahagi ito ng maigting na pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy ng LTO, kung saan huhulihin na ang mga motor at sasakyan na bumibiyahe o pumapasada nang walang plaka.

Target ng LTO na maibigay ang mahigit 2,900 na license plates sa mga TODA sa Quezon City ngayong linggo.

Naroon din sa aktibidad si Transport and Traffic Management Department (TTMD) Head Dexter Cardenas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble