NASAWI ang 17 katao matapos inatake ng Myanmar military sa pamamagitan ng airstrike ang Kanan Village, Khampat, Sagaing Region, isang pro-democracy resistance na lugar.
Nasa 20 rin ang naiulat na sugatan dahil dito.
Nangyari ang airstrike nitong Enero 7, 2024 kung saan isang jet fighter ang naghulog ng tatlong bomba sa Kanan.
Nagsimula ang kaguluhan sa Myanmar nang mapatalsik sa puwesto ng military force ang leader nilang si Aung San Suu Kyi noong Pebrero 2021.
Marami ang hindi sumang-ayon na military force na ang mamuno sa Myanmar kung kaya’t may mga kilos-protestang nangyayari.
Ngunit pinapahinto ang mga ito ng military force sa marahas na paraan.
Dito na nagsimula ang mas pinaigting na kilos-protesta laban sa Myanmar military at ang Khampat sa Sagaing Region, ang isa sa malakas na kumakalaban sa military force.