18 beneficiaries nakatanggap ng 15K bawat isa para sa livelihood assistance grant ng OVP

18 beneficiaries nakatanggap ng 15K bawat isa para sa livelihood assistance grant ng OVP

SA patuloy na suporta ng Office of the Vice President (OVP) sa mga Fililipino entrepreneurs, labing-walong (18) individual beneficiaries ang nakatanggap ng tig-P15,000 na livelihood assistance grant sa ilalim ng programang Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) ng OVP nitong November 8, 2024.

Sa pamamagitan ng OVP – Bicol Satellite Office, ginanap ang awarding ceremony upang tulungan ang mga benepisyaryo na mapalakas ang kanilang mga negosyo at mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Kabilang sa mga napiling negosyo ng mga benepisyaryo mula sa Legazpi City, Daraga at Camalig ay ang food vending, paggawa ng dishwashing liquid, pagpapatakbo ng sari-sari store, lugawan, eatery, pagtitinda ng gulay, piggery, ambulant toy vending, lettuce farming, paggawa ng peanut butter, barbeque business, assorted kakanin, cellphone repair, pag-aalaga ng mga ibon (aviary), at pagtatahi.

Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng entrepreneurial opportunities sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble