PANSAMANTALANG naninirahan sa isang evacuation shelter sa Israel ang 18 Pilipino.
Batay sa isang Facebook post nitong Hunyo 17, 2025, makikitang bumisita si Philippine Ambassador to Tel Aviv Aileen Mendiola-Rau sa mga Pilipinong naninirahan muna sa evacuation shelter.
Ang naturang mga Pilipino ay inilikas mula sa hotel na kanilang pinagtatrabahuhan matapos tinamaan ng missile ng Iran.
Isasailalim naman ang mga ito ng embahada sa isang psychosocial counseling program sa susunod na mga araw.