19-anyos na babae, natagpuang patay sa septic tank sa Sta. Maria, Ilocos Sur

19-anyos na babae, natagpuang patay sa septic tank sa Sta. Maria, Ilocos Sur

LINGGO ng Hulyo 6 dakong alas dyes ng gabi, huling nakitang buhay ang isang labing siyam na taong gulang na babae sa isang ginagawang bahay, habang nakikipag-inuman kasama ang mga lalaking kaibigan nito.

Subalit nitong Lunes a-7 ng Hulyo, nagulantang ang pamilya at mga kaibigan ng dalaga ng makita ang kalunos-lunos nitong sinapit ng matagpuan ang katawan nitong wala ng buhay sa loob ng isang septic tank.

Sa paunang imbestigasyon ng Sta. Maria Municipal Police, duguan ang katawan ng biktima na isasalim sa autopsy para malaman ang sanhi ng pagkamatay.

Habang hawak naman ng mga otoridad ang dalawang lalaking kainuman ng dalaga bago maganap ang insidente para sa masusing imbestigasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble