PATAY sa sunog ang nasa 19 na estudyante sa central Guyanese mining town ng Mahdia, Guyana, South America nitong Lunes.
Hatinggabi nang magsimula ang sunog na tumupok sa isang secondary school dormitory dahilan para ma-trapped ang mga estudyante.
Ilang katao naman ang sugatan habang ang iba ay inihahanda na para ilikas sa Georgetown—ang kabisera ng bansa.
Ikinalukungkot naman ni Guyanese President Irfaan Ali ang insidente.
2 ospital na ang nakahanda para magbigay ng paunang lunas sa mga apektado ng sunog.