KINUMPIRMA ng FIBA na may 19 na teams ang eligible o maaaring makapaglaro sa 2024 Paris Olympics.
Kabilang sa mga bansang ito ang Lativia, Lithuania, Slovenia, Italy, Spain, Montenegro, Greece, Georgia at Finland sa Europa.
Mula naman sa Latin America ay ang Puerto Rico, Brazil, Mexico at Dominican Republic.
Pasok din ang Egypt, Angola, Ivory Coast mula sa Africa at Lebanon, New Zealand at Pilipinas naman sa Asya.
Kasama rin sa palaro ang limang nanalo sa pre-qualifying tournament na Cameroon, Bahamas, Bahrain, Poland at Croatia.
Ang tournaments ay gaganapin sa Hulyo 2-7, 2024.
Samantala, mula sa 24 na nabanggit na mga bansa, ang apat na mananalo ay opisyal na makakapasok sa Paris Olympics kasama ang World Cup Champion na Germany, Serbia, Canada, U.S, Australia, Japan, South Sudan at ang France.