TINANGGAL sa puwesto nitong Lunes, Hulyo 8 ang station commanders ng 19 na police stations sa Davao City.
Bagamat walang rason na inilabas, sa pahayag ng Police Regional Office 11, bahagi anila ito ng trabaho ng regional director na mag-reshuffle ng officers sa kaniyang nasasakupan.
Ang 19 ay inilipat sa Davao Oriental, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao del Norte, at maging sa regional office.
Ang mga opisyal naman ng Provincial Police Offices at PRO-XI headquarters ang siyang ipinalit sa station commanders.