19 sasakyan sa NAIA-3 parking extension, nasunog; Dahilan ng sunog, inaalam pa

19 sasakyan sa NAIA-3 parking extension, nasunog; Dahilan ng sunog, inaalam pa

ALAS-1:28 ng hapon ng Lunes nang makatanggap ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng ulat ng sunog sa parking extension area ng Terminal 3.

Habang idineklara ng MIAA Rescue and Firefighting Division ang fire out sa 1:57 PM.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na hindi pa rin tukoy ang tunay na pinagmulan ng sunog ngunit bago mangyari ang insidente ay kapansin-pansin na sobrang tuyo ang mga damo sa lugar.

Nagsasagawa pa rin ng mopping operations ang MIAA Rescue and Firefighting Division at inaalam ang tunay na dahilan ng insidente.

Dagdag pa ni GM Ines, inaalam pa kung sino-sino rin ang may-ari ng mga sasakyan pero isa doon ay pag-aari ng kanilang empleyado.

Paglilinaw rin ng opisyal, hindi MIAA kundi ang Philippine Skylanders International (PSI) ang nagmamay-ari sa naturang parking lot.

Sinabi rin ni Ines na ayon mismo sa PSI, pananagutan nito ang mga nasunog na sasakyan.

Ang PSI o itong mismong pag-aari ng parking lot ay nanalo sa bidding noong 2019.

Ang area ay may 34,000 sqm bilang mix use commercial building at parking lot.

Pero sa ngayon hindi pa ito opisyal na nag-ooperate dahil sa kakulangan ng kanilang mga dokumento.

Walang nasugatan at walang nasawi sa insidente.

Hindi rin apektado ng insidente ang flight operations sa 4 NAIA Terminals.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble