IDINAAN sa pamamahagi ng pamasko ang ika-19 na death anniversary ng tanyag na aktor at kilalang National Artist at King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Ayon kay Sen. Grace Poe, ginawa ang pamamahagi ng pamasko ngayon sa mga kababayan ng aktor sa Pangasinan at tiyak na magugustuhan ng kaniyang ama kung ito ay nabubuhay pa.
Dati aniya ay ginagawa lamang nila ito pagkatapos ng kanilang pamisa sa North Cemetery sa Maynila.
Ito rin aniya ang pinakamabuting pag-alala sa aktor at paraan sa pangangalaga ng kaniyang yumaong ama, ang pagtulong sa mga kababayan lalo na ngayong Christmas season.
Kabilang sa mga lugar na pinamaskuhan ng kanilang team ay ang Binalonan, San Carlos City at Dagupan City.
Maliban dito namahagi rin sila ng FPJ beep cards sa mga commuters na magagamit sa LRT-1.
Mababatid na ang LRT-1 ay pinangalanan nang FPJ Station nitong buwan ng Agosto 2023.