ARESTADO sa Pasay ang isang lalaking kukuha sana ng parcel mula Thailand.
Ang naturang parcel ay kalauna’y naglalaman pala ng ilegal na droga.
Nangyari ito nitong Martes lamang Disyembre 10, 2024 nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng NAIA-IADITG kaugnay sa nasabing parcel na una nang idineklarang RTW o mga damit lamang.
Nang inspeksiyunin, nakita ang isang kilong kush na may estimated standard price na P1.4M.
Habang arestado naman ang lalaking suspek na kukuha sana ng parcel dahil sa pekeng ID na ginamit sa pag-claim ng package.
Matipid rin anila sa pagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.
Habang nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa foreign counterparts nito para sa pagkakakilanlan ng pinanggalingan ng ilegal na droga.