2.3K personnel, ipakakalat ng Red Cross ngayong Undas

2.3K personnel, ipakakalat ng Red Cross ngayong Undas

HALOS 2.3K (2, 297) ang ipakakalat na personnel ng Red Cross ngayong panahon ng Undas.

Katumbas ito ng 320 first aid stations sa buong bansa.

Magsisimula ang first aid stations ng Red Cross sa iba’t ibang sementeryo, highways, terminals, mga pantalan, gas stations, at iba pang matataong lugar ngayong araw, Oktubre 30 at magtatapos ito sa Nobyembre 3.

Samantala, hinggil sa Bagyong Kristine, mahigit 30K na mga indibidwal ang nahatiran ng tulong ng Red Cross.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter