SINIMULAN na ang dalawang araw na 21st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Senior Law Officials Meeting (ASLOM) at ang Pilipinas ang host nito.
Nabatid na ang ika-21 pulong ang unang in-person ASLOM meeting mula nang naranasan ang COVID-19 pandemic noong 2020, pero ito naman ang ikalawang pagkakataon na magiging host ang bansa sa naturang meeting at ang una ay noong 1996.
Tumatayong chairperson dito si Department of Justice Undersecretary Brigido Dulay, habang ang delegation ay pangungunahan naman ni Chief State Counsel George Ortha II, samantalang si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla naman ang opening remarks.
Ipinaliwanag ng DOJ na ang ASLOM ay magsisilbing forum para sa mga senior law officials mula sa ASEAN member states’ respective Ministries of Justice, kabilang na ang Attorney General’s Chambers para pag-usapan ang legal issues na may kinalaman sa common interest at ukol sa legal cooperation.