KUSANG sumuko ang dalawang babaeng supporter ng communist terrorist group (CTG), sa kapulisan sa San Agustin, Isabela, kahapon Agosto 31, 2023.
Kinilala ang mga sumukong supporter ng rebeldeng grupo na sina alyas “Ana”, 57-taong gulang at alyas “Isang”, 60-taong gulang at pawang mga residente ng nabanggit na bayan.
Batay sa kanilang salaysay, sila ay hinikayat na umanib sa alyansa ng mga rebelde ng isang alyas “Dodong” noong 2007.
Sila ang nagsilbing tagapagbigay ng pagkain para sa grupo sa tuwing mapapadaan ang mga ito sa kanilang lugar.