ITINURN-over ng Marikina City government ang dalawang bagong vacuum truck sa Engineering Department nito ngayong araw.
Personal itong ibinigay ni Mayor Marcy Teodoro kina City Engineer Kennedy Sueno at Asst. City Engineer Josephine Evangelista.
Karagdagan ang dalawang sasakyan sa dalawa pa na ginagamit at napapakinabangan na ng lungsod sa ngayon.
Ayon sa LGU, magiging katuwang ito sa declogging activities.