2 CTG lider sa Northern Samar, nasawi sa operasyon ng militar

2 CTG lider sa Northern Samar, nasawi sa operasyon ng militar

DALAWANG lider ng communist terrorist group (CTG) ang nasawi sa operasyon ng kasundaluhan sa Northern Samar.

Ito ang resulta ng tuluy-tuloy na operasyon ng Visayas Command (VISCOM) laban sa CPP-NPA sa Visayas Region.

Ang dalawang NPA Leaders na nasawi ay kinilalang sina Jerry Lutao alias Nadi, pangulo ng Front Operation Command (FOC) at Sandatahang Yunit Propaganda (SYP); at si Brando Oblado alias Idol, kilalang leader ng Squad 2, parehong nasa ilalim ng FC1 ng SRC Emporium.

Nakuha sa operasyon ang mga gamit pandigma kagaya ng dalawang M16 rifles, isang M14 rifle, mga personal na gamit at iba pang mahahalagang dokumento.

Pinuri naman ni Lieutenant General Benedict M. Arevalo PA, Commander ng VISCOM ang tropa ng militar dahil sa matagumpay na operasyon at positibo ito na sa lalong madaling panahon ay matatapos na ang armadong pakikibaka sa Visayas Region.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter