SUNUD-sunod ang naging tagumpay ng militar at pulisya sa kampanya laban sa insurhensya sa Bicol Region.
Sa Ragay, Camarines Sur, nakumpiska ng 81st Infantry Battalion ang apat M16 rifle, isang M14 rifle, mga bala, 16 piraso ng anti-personnel mines (APM), 30meter ng electrical wire, handheld radio; at iba pang terroristic materials mula sa hinihinalang imbakan ng New People’s Army (NPA).
Habang nadiskubre ng 2nd Infantry Battalion ang pinagtataguan ng mga kalaban na nagsisilbing training facility sa San Jacinto, Masbate.
Nakuha nila mula sa lugar ang tatlong anti-personnel mines at tatlong rolyo ng electrical wire.
Sa Garchitorena, Camarines Sur, naka-engkwentro ng 83rd Infantry Battalion at pulisya ang nasa 7 miyembro ng NPA na nagresulta sa pagkasawi sa dalawang kalaban.
Nakuha rin ng mga awtoridad ang dalawang M16 rifle, isang carbine rifle, dalawang caliber 45 pistol, at iba pang kagamitan.