NAGBALIK-loob sa poder ng pamahalaan ang dalawang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF ng Caraga Region.
Kinilala ang mga ito na sina alias Jan, Guerilla Front 16A, Northeastern Mindanao Regional Committee, residente ng Lianga, Surigao del Sur.
Kasama rin si alias Sam, isang (militia ng Bayan) residente ng Nasipit, Agusan del Norte.
Kasabay rito ang pagsuko ng ilang baril na kanilang ginagamit sa ilang operasyon sa rehiyon.
Personal na kinilala at pinasalamatan ni Police Regional Office (PRO) 13 Director, PBGen. Pablo G. Labra II, ang pagsuko ng dalawa sa ilalim ng pinaigting na police operations sa iba’t ibang komunidad sa Caraga na may natitira pang impluwensiya ng CPP-NPA-NDF.
Ani Labra, hindi nagkamali ng desisyon ang dalawa para sa pagbabagong buhay at tuluyang makamit ang hinahangad nitong kalayaan.