2 drug personality sa Ilocos region na dati nang nakulong dahil sa iligal na droga, balik-rehas

2 drug personality sa Ilocos region na dati nang nakulong dahil sa iligal na droga, balik-rehas

NAGING matagumpay ang pagsisilbi ng search warrant na ginawa ng pinagsamang-pwersa ng mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement AgencyLa Union Provincial Office (PDEA-LUPO), San Fernando City Police Station (SFCPS), La Union Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (LUPPO PDEU), Regional Intelligence Unit-Provincial Intelligence Team (RIU PIT), at 1st La Union Provincial Mobile Force Company (1st LU PMFC).

Ang nasabing operasyon ay ginawa sa San Fernando City, La Union na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang caliber 38 revolver na may bala, iligal na droga at isang dati nang nahuli na drug personality.

Kinilala naman ni PDEA RO 1 Regional Director, Director III Joel B Plaza ang suspek na si alias Ewoks, 39 taong gulang at nakatira sa Barangay Poro, San Fernando City, La Union.

Ang nabanggit na suspek ay mayroong rekord na inaresto noong April 2021, at nakalaya sa pamamagitan ng Plea Bargaining Agreement.

Nakuha sa naturang operasyon ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na humigit-kumulang tatlong gramo na nagkakahalaga ng aabot sa P20,400.00, isang cal. 38 revolver na may anim na bala, isang sling bag, dalawang piraso ng aluminum foil, at lighter.

Kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; and Republic Act 10591, o Comprehensive Firearm and Ammunition Act, in relation to COMELEC gun ban ang isasampa laban sa nahuling suspek na kasalukuyang nakaditene sa PDEA RO I jail facility.

Samantala, isa pang drug personality na bumalik sa kalakalan ng iligal na droga ang nahuli ng mga otoridad sa Vigan City, Ilocos Sur.

Kinilala ang suspek na si alias Jef-jef isang target listed drug personality na nahuli na noong December 29, 2013 at nakulong ng pitong taon at nakalaya lang sa pamamagitan ng Plea Bargaining Agreement.

Nakuha mula sa suspek ang nasa P74,800.00 na halaga ng shabu at ibang personal na gamit.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of RA 9165, o Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002, ang isasampa laban sa suspek na kasalukuyang nasa kostudiya ng Vigan City Police Station.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble