Isang high-value target drug personality sa La Union, arestado

Isang high-value target drug personality sa La Union, arestado

SA bisa ng isang operasyon na pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I – Regional Special Enforcement Team (PDEA RO I – RSET), Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit (LUPPO-PDEU), at Bacnotan Police Station, bumagsak sa kamay ng batas ang isang kilalang high-value target na drug personality sa Bacnotan, La Union.

Kinilala ni PDEA RO 1 Regional Director, Director III Joel Plaza, ang suspek bilang si alias Molong, 44 na taong gulang at residente ng nasabing bayan.

Sa isinagawang operasyon, nasamsam mula sa suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 1.5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P10,200.00. Kasama rin sa mga nakumpiska ang isang mobile phone, isang motorsiklo, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sa ngayon, nananatili itong nakakulong sa PDEA RO I jail facility sa Camp Diego Silang, Carlatan, San Fernando City, La Union.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble