2 Estudyante 3 araw nang nawawala natagpuang patay

2 Estudyante 3 araw nang nawawala natagpuang patay

TATLONG araw nang nawawala sina James Magapang at Niel Lasaca, parehong 21 taong gulang at residente ng Barangay Calian sa bayan ng Kapalong.

Natagpuan ang kanilang mga bangkay nitong Mayo 6 sa isang masukal na damuhan sa Barangay Buclad, Asuncion, Davao del Norte, matapos mapansin ng mga motorista ang masangsang na amoy.

Ayon sa Davao del Norte Police, nagsisimula nang maagnas ang mga labi ng dalawa at katabi ng mga ito ang motorsiklo na huling sinakyang magkasama mula sa isang bar sa Tagum. Papauwi na umano sila dakong alas-4 ng madaling araw.

Bagaman posibleng aksidente, duda ang mga kaibigan dahil maingat umanong magmaneho ang dalawa. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble