2 fast attack interdiction craft-missile ng PH Navy, nasa bansa na

2 fast attack interdiction craft-missile ng PH Navy, nasa bansa na

DUMATING na sa bansa ang 2 bagong fast attack interdiction craft-missile (FAIC-M) ng Philippine Navy.

Ang nasabing mga sasakyan ay bahagi ng 9 na platform na kinontrata sa Israel shipyards.

Sakay ang mga ito ng general cargo ship na MV Mick nang dumating sa bansa mula sa Israel.

Dinala ang mga bagong sasakyan sa naval shipyard sa Cavite para gagawing test at pagsasanay sa mga crew.

Ilulunsad ang mga ito sa Mayo at magiging bahagi ng Acero-class patrol gunboats kasama ang mga frontrunner na BRP Nestor Acero (PG901) at BRP Lolinato To-ong (PG902).

Inaasahang makadaragdag ito sa kakayahan ng navy na bantayan ang mahahalagang choke point, pangunahing linya ng komunikasyon sa dagat, at littoral areas ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter