NAKUMPISKA ng PNP CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit ang 130,000 pisong halaga ng counterfeit items sa operasyon sa Bulacan at Manila.
Ayon kay PNP CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee, naaresto sa operasyon ang suspek na kinilalang si Rhea Barrameda Nabus, cashier sa isang electric bike accessories shop sa Baliuag, Bulacan at aktong nagbebenta ng Motorcycle Volt meter sa isang undercover police.
Nakuha ng mga awtoridad ang 127 KOSO Motorcycle Volt meter na tinatayang nagkakahalaga ng 82,550 piso.
Habang sunod na nahuli ang suspek na kinilalang si Luiegi Balasbas Bartina matapos magbenta ng counterfeit HGGMNDS t-shirts sa police poseur buyer sa Sta. Ana, Manila.
Nagkakahalaga ng 49,600 piso ang nakumpiskang 432 piraso ng counterfeit HGGMNDS t-shirts.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Rights.
Pinaalalahanan ni Lee ang publiko na huwag tangkilikin ang mga iligal na produkto habang tiniyak nito ang paghabol sa mga nasa likod ng counterfeit items sa bansa.