2 jail guard ng San Jose del Monte City Custodial Facility, sinibak sa puwesto matapos matakasan ng mga preso

2 jail guard ng San Jose del Monte City Custodial Facility, sinibak sa puwesto matapos matakasan ng mga preso

ISINAILALIM sa restrictive custody ang dalawang nakatalagang jail guard ng San Jose City Police Station nang makatakas ang walong preso kahapon ng madaling-araw sa San Jose del Monte City Bulacan.

Sa panayam kay kay PMSgt. Rod Pating na nagsisilbing investigator on case sa naturang jailbreak, iniimbestigahan na ang dalawang jail guard at posibleng maharap sa administrative case o mapatawan ng sanction depende sa makikitang kapabayaan sa insidente.

Batay sa huling impormasyon ng PNP, apat mula sa walong PUPCs ang naibabalik sa kulungan.

Kabilang sa apat na muling nahuli na ay itong sina Arturo Conde, Glenmir Ian Aguilar, Edcel Briones, at Jorensy Revise.

Alas tres ng madaling-araw kahapon nang makatakas ang 8 sa 30 preso matapos na putulin ng mga ito ang limang grills na bakal sa likod ng CR ng San Jose del Monte City Custodial Facility.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter