2 joint memorandum circulars, nilagdaan para paunlarin ang education system ng bansa

2 joint memorandum circulars, nilagdaan para paunlarin ang education system ng bansa

DALAWANG joint memorandum circulars ang nilagdaan ng Department of Education, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, at Commission on Higher Education para paunlarin ang education system ng bansa at maihanda para sa trabaho ang mga magsisipagtapos sa Senior High School.

Una rito ang libreng assessment para sa certification ng mga estudyante ng SHS Technical-Vocational Livelihood Track at ikalawa ay ang pagsama sa Technical and Vocational Education and Training sa lahat ng SHS tracks.

Inilahad ni Sen. Win Gatchalian na naglaan ang gobyerno ng P538-M sa 2024 para sa libreng national certification (NC), pagdadag ng mga NC assessors, at training para sa mga Technical-Vocational Livelihood teachers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble